Karla ‘nagmakaawa’ sa KathNiel fans, tigilan na ang kanegahan

karla estrada

Hindi rin namin masisisi si Karla Estrada kung patuloy siyang mangampanya at magbigay ng payo sa mga KathNiel fans na tila nagkakagulo sa usaping “fanaticism” at pagbibigay suporta sa mga idolo nila.

Simple lang ang hiling ni Queen Mother na mas ma-ging understanding at mas tingnan ang long term benefit ng mga iniidolo nilang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sayang nga naman ang napakarami pang mga projects and endorsements kung sa mga panahong ito sila mag-aaway-away at hindi magkakasundo nang dahil lang sa dissatisfaction nila sa on-going soap na Pangako Sa ‘Yo because of the twist (may third at fourth party involved), pati na rin sa desisyon nina DJ at Kath na iendorso si former DILG Sec. Mar Roxas.

Read more...