I CHANCED upon Vice Ganda sa It’s Showtime yesterday and we truly felt good sa Good Vibes segment niya. He gathered a few OFWs sa stage at ikinuwento ang kaniyang naging karanasan noon bilang anak ng OFW.
“Noong bata pa ako, wala kaming telepono. Kasi nga, pag meron kayong phone noon mayaman kayo. Pag may gate ang bahay ninyo, mayaman kayo. Pag meron kayong veranda mayaman kayo.
“That time ay nagtatrabaho na ang nanay ko sa Amerika at tuwing tatawag siya sa amin, doon siya tumatawag sa kapitbahay namin – sa isang kanto pa dahil sa looban ang bahay namin. After kaming makausap tsaka namin babayaran ang may-ari ng phone.
“Naalala ko minsan nagkausap kami at tinanong niya ako kung ano ang gusto ko. Dahil usong-uso ang Levi’s 501 that time, iyon ang pinabili ko. A few weeks after tumawag siya ulit para sabihing naipadala na raw niya yung package kasama ang bilin ko.
Dumating na nga ang pac-kage at tama ang size ng baywang ko – 26. “Pero kapos ang haba sa akin, 34 kasi ang haba ng biyas ko kaya lang yung naipadala niya 32 lang. Sabi ko, hindi ko naman pala mapapakinabangan ang pinadala niya dahil bitin.
Sumama ang loob ko sa nanay ko. Hindi ko pa naman naiintindihan ang kahulugan ng buhay noon.
“Ang pagkakaalam ko lang, pag nasa abroad ang magulang mo lalo sa Amerika ay maraming pera.
Ni hindi ko naisip kung anu-anong hirap ang pinagdadaanan nila mapadalhan lang tayo. Kung paanong hindi na sila natutulog para magtrabaho para lang mabuhay tayo.
“Nu’ng sumunod na padala ng nanay ko, dahil alam niyang nagtampo ako sa kaniya, ibinili niya ako ng maraming pantalon pero hindi na siya nakapagpadala ng pac-kage para sa aming magkakapatid dahil ibinili na niya lahat ng mga pantalon ko.
“Ngayong malaki na ako at nagkaroon na ng sariling pag-iisip at meron na rin akong mga anak-anakan, lalo kong naintindihan na hindi pala ganoon iyon. Naramdaman ko ang damdamin ng nanay ko, nalaman ko kung gaano ang sakri-pisyong ginagawa niya para sa amin para mabuhay lang kami.
Nandoon pa rin siya sa US hanggang ngayon, nagtatrabaho pa rin. “Yan ang dahilan kung bakit ako naiiyak tuwing naalala ko siya – tuwing nakakakita ako ng OFW o anak ng mga OFW.
Kaya nais kong magbigay ng isang pantalon sa bawat isa sa inyo dahil iyon ang naalala kong inihingi ko sa nanay kong hindi ko makakalimutan na ipinagtampo ko pa. Kaya para sa akin, mga dakila kayong mga OFWs,” ang naluluhang kuwento ni Vice para mabigyan ng good vibes ang kaniyang mga bisitang OFWs sa stage.
Honestly, as I was watching Vice Ganda say his piece, naiyak ako. I saw the other side of Vice, yung sinasabi ng mara-ming walang ginawa kungdi ang mambuska o mamba-lahura ng audience sa kaniyang performances.
I saw the angelic side of him. He said it so well – loud and clear. Kaya lalong napamahal sa akin si Vice Ganda after watching It’s Showtime yesterday. Napakaganda ng aral na iniwan niya sa ating mga manonood.
Nakakaiyak pero nakaka-good vibes. And I saw the sweet smiles of his guests sa stage. Ganda ng episode na i-yon kahapon. I just felt good though I was drowning in tears.
Hindi man OFW ang nanay ko, parang ganu’n din ang dating niya sa amin dahil we lived that time sa Pandan, Dingle, Iloilo while our mom worked as a manager sa isang nightclub sa Manila.
Ganoon din ang sitwasyon namin, wala kaming telepono – barong-barong lang ang bahay namin and we have to travel to the city (40 minutes ride) para pumunta sa Savory Restaurant kung saan merong phone na pinababayaran for long distance calls.
Like Vice, minsan din akong nagpabili ng gift sa mommy ko – isang Seiko watch naman. She sent me a green watch that I thought was the best gift ever na natanggap ko from Mommy Gloria.
Ang kaibahan lang namin ni Vice, hindi ako nagtampo sa mommy ko, I was happiest for the watch she sent me. Ang ikinasama lang ng loob namin ay hindi siya nakakapagpadala ng pera regularly para sa amin, hindi naman namin alam na mahirap din para sa kaniya ang kumita pero na-survive namin iyon.
Same thing, na-realize ko kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanan niya when I finally came to Manila to join her. Doon ko lalong na-appreciate ang mommy namin. The more that I loved my mom when I saw her hardships.
Totoo si Vice Ganda, you will only realize how hard life is pag nasa balikat mo na ang mga responsibilidad. There is no reason for us to complain dahil mabait pa rin sa atin si Lord for giving us little comforts – a decent and enjoyable job and good health for all the members of our family.
Ang kaibahan lang namin ni Vice ay buhay pa ang nanay niya at sa panahong siya na ang nakakaangat ay puwede pa niyang bawian ang nanay niya in many ways. Samantalang ako, 1985 pa nawala ang mommy ko at kahit gustuhin kong pakainin siya ng masasarap na pagkain sa mamahaling restaurants ay imposible na.
Gustuhin ko man siyang bilhan ng magagandang damit ay hinding-hindi na mangyayari. That makes me feel so sad. Ibinubuhos ko na lang ang lahat ng atensiyon ko sa mahal kong anak na si Carlo Brian Sucaldito who is already 14 years old.
Mahirap na masarap ang maging single parent, but you know, it’s not just very challenging – it’s very fulfilling lalo pa’t lumalaking mabuti ang anak mo.
Thanks Vice Ganda for opening our hearts. I just felt sooooo good. Mwah!