Epy Quizon: Baka isumpa na ‘ko ng mga fans at pamilya ni Andi!

epy quizon

NAG-UWI ng malaking karangalan ang anak ni Comedy King Dolphy na si Epy Quizon sa Pilipinas kamakailan. Tinanghal na Best Actor si Epy sa katatapos lang na Manhattan International Film Festival sa Amerika para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Unlucky Star.”

Feeling proud siyempre si Epy when he personally accepted his trophy sa New York lalo pa’t si-nuportahan pa siya during the awards night ng kanyang newly-found friend at Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

Si Stephen ang pinakabata sa kilala at naggu-gwapuhang Baldwin Brothers sa Hollywood. Lu-mabas siya sa pelikulang “Threesome,” “The Usual Suspects,” “The Flinstones in Viva Rock Vegas,” at marami pang iba.

He also starred in the TV series, “The Young Rider”, and as himself sa mga reality shows na Celebrity Big Brothers 2010 sa UK at Celebrity Apprentice. “Katabi ko siya noong awards night,” bungad ni Epy noong makausap namin sa presscon ng “Angela Markado” na ipalalabas na ngayong araw.

Naging kaibigan daw niya si Stephen noong makasabay niya sa flight papuntang US. Nagpapiktyur daw siya sa Hollywood actor sa eroplano. Pagtalikod daw niya may mga Pinoy naman na nagpapiktyur sa kanya with matching saludo pa raw dahil napanood siya sa “Heneral Luna.”

“Sabi niya, ‘What do you do?’ ‘I’m an actor.’ E, ‘yun na, nag-usap na kami, nagkwentuhan na kami. Naging barkada ko,” kwento pa niya. Inilabas daw siya ni Stephen after the awards night, “Well, pumunta siya doon sa awarding.

So, nagulat nga ‘yung mga tao, ‘Wala namang pelikula ‘yan, ba’t nandito, ‘di ba?’ Ako ang pinuntahan niya. Sumuporta, tumabi sa amin ng direktor ko. Tapos nilabas niya kami ng director ko sa ‘Unlucky Plaza,’ si Ken Kwek,” lahad pa ng aktor.

Kumain daw sila sa Tao restaurant na fusion ng Asian and Western ang pagkain. Pagkatapos kumain ay tumuloy naman sila sa 1O (one and letter O) Club kung saan uminom si Epy ng isang beer habang softdrink naman daw ang kay Stephen.

Hindi rin naman daw siya inalok ni Stephen na mag-try sa Hollywood. “Ang pinag-usapan namin ay hindi sa showbiz. Ang pinag-usapan namin ‘yung asawa niya, asawa ko. Tapos, after noong one beer sinabi niya, ‘Do you want to stay?’ ‘No, no.’ So, umuwi na rin kami.”

Nagkapalitan daw sila ng number ni Stephen at babalik ang Hollywood actor early next year. Meron daw nire-research si Stephen sa ating bansa. “Gusto niya atang gumawa ng pelikula dito kaya siya madalas dito.

Nagpunta siya rito for a skateboard event. Tapos babalik siya. Tapos sinabi rin niya na naging kaibigan din niya si Manny Pacquiao.” Ang Viva Films daw ang magre-relase ng movie ni Epy na “Unlucky Plaza” next year.

And speaking of Viva, ito rin ang magri-release ng “comeback movie” ni Direk Carlo Caparas at pinagbibidahan ni Andi Eigenmann, titled “Angela Markado.”Isa si Epy sa mga rapist ni Andi sa “Angela Markado” kasama sina Paolo Contis, Felix Roco at Polo Ravales.

Tiyak daw na may fans and relatives si Andi na magre-react sa rape scene niya sa movie. “Definitely ‘yung pamilya ni Andi baka magalit sa akin ang mga Eigenmann kapag napanood nila ‘to. Ha-hahaha! Saka mga fans ni Andi baka magalit din.

Pero syempre, rapists kami rito, e. Pero ako, sa rami ng ginawa kong kontrabida roles, bida roles, bakla, maton, binabae, kumbaga, ginawa ko na siya lahat, e, siguro matatanggap naman nila na hindi ako talaga ‘yung napapanood nila kundi ‘yung karakter lang na pino-portray ko,” paliwanag niya.

Read more...