Nakilala si Maine Mendoza sa linya ng pagda-dubsmash. Maraming nakagagawa ng ganu’ng talento, pero ibang-iba pa rin ang pulidong pagsabay sa buka ng bibig ng mga ginagaya nilang personalidad o singer, du’n angat na angat si Maine.
Naging tulay ‘yun sa popularidad na hawak niya ngayon, biglang-bigla, sumikat si Yaya Dub sa pamamagitan ng kalyeserye ng Eat Bulaga. At mas uma-ngat pa ang kanyang popularidad dahil sa loveteam nila ni Alden Richards, ang sikat na sikat nang AlDub sa buong mundo ngayon, penomenal ang kasikatan ng tambalang ito.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng kalyeserye ay maraming personalidad na pumapasok, maraming pagbabagong nagaganap, kailangang sakyan nina Alden at Maine ang daloy ng istorya.
Kailangan nilang lumuha kung kailangan ‘yun sa kuwento, isang linyang kabisado na ni Alden, pero bagung-bagong mundo para kay Maine Mendoza.
Totoong hindi naibibigay ni Yaya Dub ang pag-arteng kailangan sa sitwa-syon pero madaling u-nawain ‘yun kung bakit, a-pat na buwan pa lang siyang humaharap sa mga camera ng telebisyon ngayon, hindi napag-aaralan sa ganu’n kaigsing panahon ang pagdadrama.
Hilaw pa ang kanyang karanasan sa pag-arte, pagda-dubsmash ang kanyang linya, pasasaan ba’t isang araw kapag dumaan na siya sa isang workshop ay mai-dedeliber din ni Yaya Dub ang inaasahan sa kanya ng mga taong walang nakikitang positibo sa kanya nga-yon.
Wait-wait lang tayo pag may time.