Mga katolikong supporter ni Duterte nag-atrasan na
NU’NG unang lumabas ang pangalang Mayor Rodrigo Duterte sa list ng presidentiables natin, medyo na-excite kami because sa pagkarinig namin ng pangalan niya ay alam naming he is very courageous kaya he has the makings of a good president. Maybe, di ba?
Kaya lang, as days went on, urong-sulong naman ito sa kaniyang desisyon to run. For us, being fickle-minded is very womanly (no offense meant to the women in the world – traditional lang kumbaga) or baka ‘kako it was just his strategy to get public attention.
And yeah, right! Umeksena lang pala siya dahil kamakailan ay nag-file rin siya ng kanyang kandidatura para sa 2016 presidential elections bilang substitute candidate ni Martin Dino. And finally he was launched as their standard bearer recently.
Itong mamang ito ay walang ginawa kungdi ang magmura – mura rito, mura roon which caught our ire na rin. Kumbaga, ayoko sa isang taong napakahilig magmura. As a parent we raise our children with values, kasi nga mga Katoliko tayo, mga Kristiyano na pinalaki ng mga magulang nating magiging mabuting tao na may takot sa Diyos.
Pero sabi nga nila, may mga ganoong tao talaga, yung mahilig magmura as an expression to anything. We tried to understand his person kaya kibit-balikat na lang kami. Until things changed lately.
The other day I watched a video posted sa Facebook account ko kung saan ipinagmamalaki ni Duterte ang kaniyang relasyon sa dalawang babae – mga young ladies na ka-affair niya.
He talked about his da-ting these girls in motels, yung pang-short time lang. Pamacho and pa-honest kuno pero he showed rudeness to wo-men. Very chauvinist pig ang dating sa amin kaya turn off kami sa mga binitiwan niyang salita.
In short, yung paghanga namin sa kaniya ay nawala na. Kasi nga, no woman deserves to be talked about in public this way, kahit sabihin pang hindi naman niya pina-ngalanan.
Respeto ang tawag doon, and we felt that he doesn’t have respect for these women, he treats them like sex objects. At ayoko ng ganyang lider, ayokong magkaroon ng pangulo na walang respeto sa babae – walang respeto sa kapwa dala ng matinding pagmumura niya na ginawa na lang niyang very casual.
Ayoko ng lider ng bansa na idinadaan lahat sa tapang, sa kamay na bakal. Ayokong lumaki ang anak ko sa isang bansa na merong pangulong walang values. Yes, bakla ako pero alam ko ang limitasyon ko – I live within the norms of my society.
Hindi ako nagmamalinis pero ayokong ng maruming mundo. Kung talagang matapang siya as how he projects himself – lipulin niya ang lahat ng Abu Sayyaf sa Mindanao or wherever sa neighboring cities or towns ng Davao bago siya mangakong papatayin ang lahat ng kriminal sa Pilipinas once he is elected president.
Doon siya magpakitang-gilas kung talagang matapang siya. Hindi yung puro dakdak. He doesn’t own Davao – hanggang Davao lang naman ang kaya niyang pamunuan. Takot lang sa kaniya ang mga tao roon kaya niya nagagawa ang gusto niya.
For us, kayabangan ang ipinakita niya sa kanyang proklamasyon. Just to get the votes – he’s not original with those promises anyway.
Hanggang sa lalong lumala ang sitwasyon nang murahin niya ang mahal nating Santo Papa sa speech niya. Dala lang ng kuwento niya tungkol sa matinding traffic na naranasan niya during our Papal visit ay minura niya ang Santo Papa natin. That was the height of blasphemy para sa akin.
Naiyak talaga ako when I watched the video, I was seething with so much anger in my heart. Nagalit ako kay Duterte – gusto kong ibalik sa kaniya ang pagmumura niya sa Santo Papa.
Ang sakit-sakit sa dibdib. I thought of my son right away – naiyak ako thinking na pag ganito ang naging pangulo natin, ayokong malihis ang utak ng anak ko.
Over my dead body! Hindi ko matatanggap sa puso’t diwa ko na merong isang tao like Duterte na walang galang sa Panginoon ko. He went overboard – super overboard! Hindi na tama.
He’s out of my list now – apat na lang talaga ang nakikita kong maglalaban sa panguluhan: sina Grace Poe, Mar Roxas, Miriam Santiago and Jejomar Binay. Taimtim akong magdarasal na huwag manalo si Duterte.
Magalit na siya sa akin pero he totally wrecked my heart and many Pinoys’ hearts. Not even a little respect ay merong naiwan sa puso ko for him. Maaaring mapatawad siya ng mga Pinoy if he apologizes pero I am pretty sure that he won’t get the votes.
I have some friends na kampi pa rin kay Duterte despite what he did and I respect them for staying with him, the same way that they must respect my stand too. Basta ako, kasama sampu ng aking mga mahal sa buhay ay tatalikod totally sa isang taong hindi karapat-dapat iboto at di karapat-dapat sa respeto namin sa kapwa.
He is non-existent para sa amin from now on. Since minura naman niya ang mahal nating Santo Papa, meron lang akong request sa inyo – pakibalik na lang ang mura sa kaniya. Thanks po ng marami ang good day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.