Roxas mas lalaki kesa kay Duterte

Mar-Roxas-2-660x443
Mas lalaki umano si dating Interior and Local Government Sec. Mar Roxas kaysa kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito ang tingin ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo ng tanguning kung sino sa palagay niya ang mas lalake sa dalawa.
“Sec. Roxas, and that is not because he is my running mate only,” sagot ni Robredo ng tanungin sa Ugnayan sa Batasan media forum.
Ayon kay Robrero walang inurungang hamon si Roxas sa pagsisilbi sa bayan kahit pa siya ay malagay sa alanganin.
“Ako, ano siya, very decent, matagal nang nabigyan ng pagkakataon na makapagsilbi, walang corruption charges to his name, mahusay. Iyong sa akin, si Sec. Roxas, hindi umurong sa kahit anong challenge, kahit pa nalalagay siya sa alanganin,” ani Robredo.
Si Duterte ay nakilala dahil sa paggamit niya ng kamay na bakal sa pagpapatupad ng batas kaya umano umayos ang Davao City.
Muli ring inulit ni Robredo na magsisipag siya upang tumaas ang kanyang rating sa vice presidential race.

Read more...