NAPATUNAYANG guilty si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Sa isang desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court, sinabi nito na homicide at hindi murder ang hatol kay Pemberton kung saan nahaharap siya sa anim na taon hanggang 12 taong pagkakabilanggo. Korte hinatulan si Pemberton ng guilty sa pagpatay kay Laude
NAPATUNAYANG guilty si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Sa isang desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court, sinabi nito na homicide at hindi murder ang hatol kay Pemberton kung saan nahaharap siya sa anim na taon hanggang 12 taong pagkakabilanggo.
Iginiit ng Korte na nabigo ang prosecution na patunayan na may treachery at inabuso ni Pemberton ang kanyang lakas para ito makonsiderang murder.
Noong Agosto, inamin ni Pemberton na sinakal niya si Laude at iniwang walang malay nang madiskubre niyang siya ay transgender.
“He was so enraged and in the heat of passion arm-locked, dragged him [Laude] inside the bathroom and dunked his head in the toilet bowl,” sabi ng desisyon.
Ibinasura naman ng Korte ang petisyon ng kampo ng pamilya ni Laude na magbayad si Pemberton ng P100 milyon para sa exemplary damages at P100 milyon para sa moral damages.
Ipinag-utos din ng Korte na ilipat si Pemberton sa New Bilibid Prisons (NBP) habang nagdedesisyon kung saan siya ikukulong sa harap ng implementasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Bukod sa pagkakakulong, inatasan din ng Korte si Pemberton na magbayad P30, 000 sa exemplary damages; P50,000 sa moral damages; P150,000 sa burial expenses, P50,000 sa civil damages at P50,000 sa loss of earning capacity.
Sinabi naman ng abogado ng pamilya Laude na si Atty. Harry Roque na bagamat masaya na rin, hindi naman kumbinsido ang pamilya sa hatol na homicide imbes na murder.