GMA 7 nagpapa-audition para sa bagong version ng Encantadia

gma

“Mahirap mag-produce ngayon ng pelikula, hindi lahat kumikita. Ang daming lugi nga-yon.” Ito ang katwiran sa amin ng isang GMA 7 executive nang tanungin namin kung hindi na magpo-produce ng pelikula ang GMA Films.

Dagdag pa, “Kaya concentrate muna kami sa programming ng TV ngayon, acquisition and other externally produced.” Inalam namin kung ano ang huling solong ipinrodyus ng GMA Films at hindi na rin matandaan ng isa pang executive na kausap namin, “Ang tagal na, pero active naman, puro lang co-prod like itong My Bebe Love #Kilig Pa More, kasama namin ang OctoArts Films, MZet, APT (Entertaimment).”

Nabanggit din ng aming kausap na bawas sakit din ng ulo sa part ng GMA dahil nag-invest lang sila at hindi sila ang namamahala sa lahat. Sa madaling salita, bumakas lang ang Siyete at maghihintay na lang ng return of investment.

Samantala, inalam din namin kung ano na ang deve-lopment sa remake ng Encantadia na mapapanood na raw sa 2016, “Nagpapa-audition pa, dapat matapatan ‘yung mga naunang gumanap, alam mo na, tiyak may comparison,” katwiran sa amin.

Oo nga, namayani ang GMA nang ipalabas ang Encantadia noong 2005 na tumagal ng seven months at talagang bukambibig ito sa apat na sulok ng Pilipinas.

Ang tanong, mapantayan o mahigitan kaya in terms of rating at ng mga bagong gaganap sa remake ng Encantadia 2016 sina Karylle (Alena), Diana Zubiri (Danaya), Iza Calzado (Amihan), Sunshine Dizon (Pirena) at Yasmien Kurdi (Mira). Nakasama rin dito sina Jennylyn Mercado bilang Lira/Milagros at Dawn Zulueta bilang Reyna Minea.

Read more...