Kris hindi sasamahan si Bimby sa shooting

kris aquino

Si Jodi Sta. Maria pala ang gaganap na mommy ni Bimby Aquino Yap sa MMFF 2015 entry na “All You Need Is Pag-Ibig”. Ayon kay Kris Aquino hangga’t kaya ay hindi raw siya sasama sa shooting ni Bimby.

“Sinabi niya (Bimby), ‘But I’m working for you and you’re not going to watch over me?’ So ako talaga. Sabi ko, ‘You know why I’m not going with you it’s because, Jodi, you have to feel she’s really your mom.

And if I’m there you’re gonna be distracted,'” kuwento ni Kris sa kanyang morning show. “Totoo naman di ba? Para at least maging at ease sila sa isa’t isa. So in-explain ko,” hirit pa ng TV host.

Chika pa ni Kris, pumayag lang daw kasi si Bimby na ga-win ang nasabing pelikula dahil siya raw ang laging kaeksena, “Sinabi ko you still have to do it because we have commitment.

So ‘yun ang sumbat na I do it for you, tapos hindi ka nagbabantay sa akin.”  Ang “All You Need Is Pag-Ibig” ay sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.

Read more...