Palasyo itinanggi na may 4 na Pinoy ang dinukot ng ISIS sa Syria

DFA

DFA


ITINANGGI kahapon ng Palasyo ang naunang ulat na meron umanong apat na Pinoy na dinukot ng mga miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Syria.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na batay sa ulat ni
Ambassador Nestor Padalhin, Charge D Affairs sa Syria na may mga Pinoy na inaresto sa Syria dahil sa pasong mga permit.

“According to Ambassador Nestor Padalhin, our Charge D Affairs in Syria report of ISIS abduction, not true. There are Filipinos apprehended because of expired Iqamas (permits) Embassy & Legal Counsel assisting them to sort out the matter,” sabi ni Lacierda.

Read more...