PINARINGGAN ng Palasyo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bago pa ang itinakdang proklamasyon ng kanyang kandidatura Lunes ng hapon.
Sa isang text message, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na responsibilidad ng bawat kandidato kagaya ni Duterte na iprisenta ang kanyang plataporma de gobyerno.
“And the citizens should expect more than soundbites from the candidates, a hardnosed appraisal of what any of them can offer to all of us,” sabi ni Lacierda.
Naghain si Duterte ng kanyang certificate of candidacy (COC) noong Biyernes, bagamat meron na ring nagkuwestiyon sa Commission on Elections (Comelec) ng kanyang kamdidatura.
Sa kanyang naunang panayam, inamin ni Duterte na tatlo ang kanyang asawa.
MOST READ
LATEST STORIES