Heart lumelebel sa ganda ni Dawn; beauty book mabentang-mabenta

heart evangelista

NUMBER 1 pa rin sa digital sales ang beauty book ni Heart Evangelista na “This is Me, Love Marie,” dalawang linggo matapos itong i-launch ng Kapuso actress.

Tuwang-tuwa ang misis ni Sen. Chiz Escudero dahil dalawang linggo na ring patok ang kanyang beauty book sa Buqo app’s digital charts. In fairness, kung may isang female celebrity talaga na masasabing beautiful may makeup man o wala, si Heart na yun.

Classic kasi ang ganda ng aktres, para rin siyang si Dawn Zulueta na lutang pa rin ang itsura kahit walang makeup. “We are still at the top of the digital chart! Get the e-book version of #ThisIsMeLoveMarie using the @buqoapp and get tips on makeup and skincare from your phone or tablet,” sabi ni Heart sa isang post sa Instagram.

Proud na proud siyempre ang kaniyang mister na si Chiz sa mainit na pagtanggap ng publiko sa beauty book ng asawa. Siguradong napakaraming inggit na inggit ngayon na guys sa senador dahil sa kagandahan at kaseksihan ng asawa nito.

Ang “This is Me, Love Marie” na siyang kauna-unahang beauty guide ng isang Filipina actress mula sa Summit Books ay inilabas sa publiko noong Nov. 8. Ani Heart, ang libro ay maihahalintulad niya sa diary niya sa nagdaang 30 taon.

“Making the book was like writing in my diary and giving everyone a copy. Thirty years of everything I’ve learned,” sabi ni Heart na pahinga raw muna nga-yon matapos umere ang teleserye nila ng bestfriend na si Lovi Poe sa GMA na Beautiful Strangers.

 

Read more...