SA mga Overseas Fi-lipino Workers (OFWs) na miyembro ng Social Security System (SSS) na may katanungan o transaksyon sa SSS, mas mapapabilis na ang kanilang komunikasyon sa ahensya.
Mas madali nang masasagot ang mga katanungan ng mga OFWs sa SSS na nais mag-update ng kanilang mga kontribusyon, loan at iba pang benepisyo
Inilunsad ng SSS ang 1-800 Toll-Free International Call Services sa mga pangunahing destinasyon sa mundo upang paigtingin ang kampanya sa pagbibigay ng social protection sa mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa.
Ang mga toll-free numbers ay 001-8000-CALL-SSS para sa Hong Kong at Singapore; 00-8000-CALL-SSS para naman sa Malaysia and Taiwan, Italy and United Kingdom; 801-4275 para sa bansang Brunei; 00800-100-260 para sa Qatar; 800-0630-0038 para sa United Arab Emirates; 800-863-0022 para sa Saudi Arabia; at 8000-6094 para sa Bahrain.
Mas mabilis na serbisyo sa pagitan ng SSS at kanilang mga miyembro, partikular ang sektor ng OFW na may partikular na interes at pangangailangan na dapat tugunan.
Dahil sa bagong serbisyong ito, pinahaba ng OFW-CSU ang kanilang operating hours mula 16/5 ay naging 24/5 na.
Maliban sa bagong toll-free numbers, maaaring ipadala ng mga miyembrong nasa ibang bansa ang kanilang mga katanungan sa OFW-CSU gamit ang email address na ofw.relations@sss.gov.ph at sa numerong +632 364-7796 at +632 364-7798.
Maaari rin silang pumunta sa special desk assistance services ng SSS Main Office sa Quezon City tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Pinapayuhan na ilagay ang kanilang SSS number, pati na rin ang kopya ng kanilang IDs at pasaporte kung magpapadala sila ng e-mail sa OFW-CSU. Kung sila ay tatawag sa CSU, dapat ay nakahanda din ang mga ito. Makikita ang listahan ng SSS toll-free numbers sa SSS Website (www.sss.gov.ph) at sa opisyal SSS Facebook page (https://www.facebook.com/SSSPh).
Inaanyayahan ang mga OFWs na magrehistro sa My.SSS facility ng SSS Website upang maaari din nilang tingnan ang SSS records gamit ang internet.
Ms. Judy Frances
A. See
Senior Vice President ng International
|Operations
Social Security System (SSS)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.