Ikatlong diretsong panalo pakay ng Alaska, NLEX | Bandera

Ikatlong diretsong panalo pakay ng Alaska, NLEX

- November 27, 2015 - 02:35 PM

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Alaska vs NLEX
7 p.m. Rain or Shine vs Barako Bull
Team Standings: San Miguel Beermen (5-1); Alaska (5-1); Rain or Shine (4-1); NLEX (4-2); Talk ‘N Text (4-2); Barangay Ginebra (4-3); Barako Bull (3-3); GlobalPort (3-3); Star Hotshots (2-5); Blackwater (1-5); Mahindra (1-5); Meralco (1-6)
PUNTIRYA ng Alaska Milk at NLEX Road Warriors ang makuha ang ikatlong sunod na panalo sa kanilang sagupaan sa Smart Bro-PBA Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Dinaig ng Alaska ang Globalport, 123-104, noong isang linggo at ang Star Hotshots, 107-102, nitong Martes para iaangat ang baraha nito sa 5-1.
Tinisod naman ng NLEX ang Talk ‘N Text, 107-101, noong isang linggo bago naungusan ang Meralco Bolts, 93-91, nitong Martes para sa ikaapat na panalo sa anim na laro.
Bukod sa mapanatili ang winning streak ay pakay din ng Alaska na maangkin ang solong liderato sa pagtangka ng ikaanim na panalo sa pitong laro.
Sasandig ang Alaska kina Cyrus Baguio, Calvin Abueva, Sonny Thoss, Dondon Hontiveros at JVee Casio habang ang NLEX ay aasa kina Kevin Alas, Jonas Villanueva, Asi Taulava at Fil-Canadian Sean Anthony na pinarangalan bilang PBAPC Player of the Week sa linggong nagdaan.
Hindi naman tiyak kung makapaglalaro ngayon si Eric Menk para sa Aces. Nagtamo ng injury sa ilong ang betaranong manalalaro ng Alaska matapos na masiko ni Marc Pingris sa laro kontra Star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending