Death claim habol ng kapatid

DEAR Aksyon Line,

Namatay ang kapatid ko may tatlong buwan na ang nakaililipas. Binata pa ang kapatid ko ng mamatay kaya bilang pa-nganay sa aming limang magkakapatid ay ako na ang nag claim para sa kanyang funeral benefits sa SSS.

Pero sa ngayon ay hindi pa namin nakukuha ang kanyang death claims.

Gusto ko lang sana na itanong sa SSS kung sino ang beneficiary ng E1 ng aking kapatid dahil kung sino ang beneficiary ay siya na lamang ang maglalakad. Ang SSS number ng aking brother ay 03….25-8.Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan. Salamat po.

Rebecca

REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Rebecca, pinapayuhan na magtu-ngo sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar at magrequest ng copy ng E-1 at E-4 ng
iyong kapatid.

Maaari rin na kahit sino sa inyong magkaka-patid ang mag file ng claim para ma-pull out kung sino ang right beneficiary.

Ngunit mahalagang dalhin ang mga kinakailangang requirements para sa death claim kabilang na rito ang death certidicate ng member, ID ng member, ID ng magki-claim.

Kung walang asawa o single ang namatay, kinakailangang isumite din ang death certificate ng kanilang magulang.

Ang iba pang dokumento ay maaaring hi-ngin habang isinasagawa ang proseso ng claim. Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan Ms. Rebecca.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media
Affairs Department
Social Security System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...