Elmo Kapamilya na, bagong ka-loveteam ni Janella

JANELLA SALVADOR  AT ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

PORMAL nang inanunsyo ng Dreamscape Entertainment ang paglipat ng dating Kapuso actor na si Elmo Magalona sa ABS-CBN. Siya ang bagong ka-loveteam ni Janella Salvador sa seryeng Born For You hango sa awitin ni David Pomeranz at mapapanood sa first quarter ng 2016.

Kasama ni Elmo ang kanyang nanay (na manager din niya) na si Pia Magalona nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, co-manage sila rito ng Star Magic.

“It is a big decision, mostly it was my mom who helped me go through this. My dad is also a big part of my decision also, I just want him to be proud of me always. I hope he is proud of me,” ani Elmo sa pocket presscon na ibinigay sa kanya ng Dreamscape kahapon.

Kung si Elmo na ang bagong ka-loveteam ni Janella, anong nangyari kay Mario Mortel? Hindi ba epektibo ang tambalang Janella at Mario? Hindi pa ba sila hinog para ihilera sa loveteam ng KathNiel, LizQuen at JaDine kaya binuwag na?

Tanong namin sa aming source kung bakit kinuha ng ABS-CBN si Elmo, e, hindi naman ito kasikatan dahil nakailang serye na siya sa GMA 7 ay hindi pa rin gaanong umaalagwa ang career.

Ikinumpara pa nga namin siya kay Onyok na sikat na sikat ngayon sa FPJ’s Ang Probinsiyano dahil buong mundo na ang nakakakilala sa kanya.

Salag ng kausap namin, “Magalona ‘yan kaya may lalim umarte ‘yan, hindi lang alam ng GMA kung paano ito ilabas, makikita mo pag nasa ABS na siya, lalabas ang husay niya sa pag-arte.”

Oo nga naman, lahat naman ng artistang nanggaling sa GMA ay biglang gumagaling at sumisikat kapag lumabas na sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Anyway, ang kuwento raw ng Born For You ay tungkol sa pamilya at destiny na may malaking bahagi sa kuwento ang musika.

Isa pang tanong namin sa aming kausap ay kung malaking threat ba si Elmo sa mga taga-Star Magic young actors, “Oo nga, kawawa naman ‘yung ibang young actors ng Star Magic, mas lalo silang matatabunan,” diretsong sabi sa amin.

Kasi naman ‘yung ibang artista hindi nage-evolve, masyado na silang kampante sa sarili kaya hayan, kailangan pang mag-import sa ibang network.

Read more...