Si Piang kontrapelo

ANG sinungaling at manlilinlang ay di kailan man umiibig sa taumbayan, sa arawang obrero. Paano masasabing mahal niya ang kanyang mga boss kung araw-araw ay niloloko ang mahihirap at pinakakain ng mga kasinungalingan? Mahirap ihalo ang pag-ibig at panlilinlang sa mahihirap. Pagninilay sa Ebanghelyo (Dn 7:13-13; Slm 93; Pag 1:5-8; Jn 18:33b-37) sa dakilang kapistahan ni Kristo sa sanlibutan, na binigkas sa mga simbahan at national shrines.

Itong si Pia Cayetano ay kontrapelo sa kanyang kapatid na si Alan, na bise presidente ni DD (Digong Duterte; didi ang wastong bigkas, pero kapag malambot ang dila ay dede). Dahil kinampihan niya ang pulot na si Grace Llamanzares, kontra yan sa legal na pananaw ni DD. Ano ba ito? Bangkaan sa dalawang ilog?

Puwede namang bawiin ni Pia ang kanyang boto pabor kay Llamanzares. Bukod sa maigsi, hindi naman niya ipinaliwanag nang lubos ang kanyang boto, para nang sa gayon ay maipagtanggol niya ang kanyang paninindigan kay Llamanzares na hindi ibinase sa Saligang Batas. Bilang abogado at senador pa man din, may tungkulin si Pia na ipagtanggol ang Saligang Batas. Sayang.

Sa aking 41 taon sa pamamahayag, ngayon lamang ako nakakita ng bulok na AFP, lalo na sa intel, counter-intel at low-intensity (village) psywar. Noong panahon nina Marcos, Ver at Enrile, hindi sila tinutulungan ng US para sa intel. Pero alam nila kung paano kumilos ang halang na mga Moro. Kaya counter-intel at psywar sila, kabilang na riyan ang paggamit ng Ilaga. Habang may APEC, pi-nugutan ng ASG si Bernard Then. Sampal kay Noy sa magkabilang pisngi.

Ang ASG ay bandido, di terorista. Pero terorismo ang kanilang paraan ng pagiging bandido, sa ngalan ng kanilang Diyos. Ang ASG ay mayaman, napakayaman, kesa karaniwang Moro na nasa inyong paligid, mula Aparri hanggang Jolo. Milyones dolyares ang kinikita ng ASG. Sa intel, may tinatawag na supply slash or intercept (“whatever it is, lines, logs, coms”). Ang supply slash ay hindi ginawa ng AFP ni Aquino kontra ASG.

Bongga ang madalas sambiting salita ni Kris Aquino (may dyaryo noon na Bongga, tabloid ng bi-nuhay ni Chino Roces na Manila Chronicle sa pamamagitan ni tig-P1 milyon puhunan sa mga ibig sumugal; at ako’y kolumnista roon). Bakit hindi niya masabing bongga ang kuya niya sa mga Caviteñong naglakad mula Talaba hanggang MRT (kamag-anak ko ang matandang naglakad). Sunburn ka lang, pantog naman ang nadale sa matanda!

Hiniling ni US President Barack Obama sa mga negosyante sa pulong ng CEO sa APEC na mamuhunan sa teknolohiya ng renewable energy. Matagal nang ginawa iyan ng mga anak ni Ferdinand Marcos sa INRI (Ilocos Norte Region 1), hindi pa pangulo si Obama. Marcos ang apelyido, na kamag-anak ng Romualdez (Marcos, hindi Aquino at Roxas, intiendes?). Ang ama ng renewable energy ay si FM (isinulat ko sa Evening Post) at ang nagsakatuparan ay ang mga anak.

Ang alam ko, hindi kumita si Joe Capadocia ng P100 milyon sa kanyang paglilingkod sa Malacañang ni Gloria Arroyo. Nang kami’y magkasama ni JoeCap sa Manila Times ni Chino Roces, siya ay residente ng Cogeo, resettlement area, naghihintay ng jeepney sa Cubao at nagpapalipas ng trapik sa Red Dragon bar, na pag-aari ng reporter ng Star. Pero, aabot na pala sa P1 bilyon ang kinita ng ilang tapat na aso ni Aquino sa Malacañang, at napakaraming suso ang pini-pipigaan nito, hanggang ngayon. Di ko problema kung saan nakatago ang pera.

Ang nakaambang requirement na NBI at police clearance para sa magre-renew ng prof license sa LTO ang magandang dahilan para huwag iboto ng mahi-git dalawang milyon prof drivers and mga kandidato ng LP, sa pangunguna ni Mar Roxas. Patapos na ang termino ni Aquino, may pabaon pang pahirap sa mahihirap.

MULA sa bayan (0916-5401958): Sana’y ipagbawal ni Erap ang maiingay na motor sa Gagalangin, Herbosa, Pritil at Tayuman, lalo na sa gabi. May pinatay na nga na rider pero mas dumami ang maiingay na motor at scooter sa gabi. …2867

Read more...