Vice naawa sa barbero, binigyan ng pang-negosyo at pamasahe

VICE GANDA

VICE GANDA

SA awa ni Vice Ganda sa isang barber from Surigao who has not seen his family for 15 years ay binigyan niya ito ng isang set ng panggupit. The guy named Michael who lives in Agham Road has been cutting hair for five years.

Sa hirap ng buhay nila sa Surigao ay lumuwas siya sa Manila to seek greener pasture. Ang ending, naging barbero si Michael, earning P40 per head na ginugupitan niya.

Nagsosolo lang si Michael sa buhay at medyo hirap itong kumita para makaipon ng pamasahe papuntang Surigao kaya naman sinagot na ni Vice ang pamasahe nito nang makapiling nito ang pamilya nito sa darating na Pasko.

Talking about Vice, marami ang natuwa nang makasakay ng commuters ang stand-up comedian sa MRT recently dahil naghahabol ito para makaabot sa UAAP event. Alam n’yo naman si Vice, forever Tamaraw fan.

Nag-selfie ang stand-up comedian kasama ang MRT commuters na tuwang-tuwa sa kanilang once-in-a-life time experience. Sino ba naman ang hindi sasaya kung makita mo ang tulad ni Vice sa MRT, ‘no?

Read more...