Matatanggap ba sa Call Center? (2)
Sulat mula kay Florabelle ng Tikay, Malolos City, Bulacan
Problema:
1. Two years na po akong graduweyt ng education ang kaso hindi ako nakapasa sa board exam kaya wala akong makuhang regular na trabaho. Sa ngayon ay nagpasya akong mag-aplay na lang sa call center, dahil may kaibigan akong nagta-trabaho doon at maganda naman daw ang suweldo. Ang itatanong ko lang ay kung matatanggap kaya ako at kapag nandon na kaya ako magiging maganda naman kaya ang buhay ko don o mas magandang ituloy ko na lang ang aking pagre-review uli baka makapasa na ako at kapag nakapasa na ako sa board exam ay mag aapplay ako sa public school.
2. Saang larangan po ba ako higit na uunlad at aasenso, sa call center o sa pagtuturo? Siya nga po pala balak ko ring mag-abroad, may pag-asa din kaya akong makapangibang bansa? December 14, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Florabelle ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing sa tulong ng isang kaibigan isinilang sa zodiac sign na Aries, isa-isa ng matutupad ang lahat ng pangarap mo sa buhay.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ang nagsasabing sa sanda-ling suwertehin ka sa call center, ito ang magiging hudyat ng tuloy-tuloy na ang pagdating ng iyong magagandang kapalaran – mare-regular ka sa trabaho, kusang tataas ang iyong suweldo, hanggang sa lumipas ang dalawang taon pa, sa 2018 or 2019 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa namang itatala sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang lalo pang su-wertehin gumamit kang lagi ng kulay na pula at metallic blue. Sa ganyang paraan mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating pagpasok ng taong 2016.
Huling payo at paalala:
Florabelle ayon sa iyong kapalaran, bago matapos ang taong ito ng 2015 magsisimula na ang pagdating ng iyong magandang kapalaran, mapapasok ka sa call center na may magandang suweldo, at ang nasabing magandang kapalaran ay magtutuloy-tuloy na hanggang 2019, kung saan, sa panahong nabanggit sa edad mo namang 28 pataas may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa i-yong kapalaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.