Showbiz career ni Paulo mas bobongga sa 2016

PAULO AVELINO

PAULO AVELINO

SPEAKING of pagsabay sa agos ng buhay at sistema sa showbiz, halos ganyan din ang pananaw ni Paulo Avelino sa pagpasok niya sa pinag-uusapang On The Wings Of Love ng JaDine loveteam.

Ayon sa binata, walang isyu sa kanya kung isipin man ng viewers na suporta na lang siya sa serye nina James Reid at Nadine Lustre. Tinanggap niya ang proyekto dahil na-challenge siya sa materyal bukod pa sa talagang humahataw ito sa ratings game ngayon.

Actually, mas marami ang na-excite at natuwa nang malaman nilang makakasama na si Paulo sa OTWOL pero aniya ready na rin siya sa bashers lalo na sa mga JaDine fans na ayaw magkaroon ng third party ang tambalang Leah at Clark.

At gaya ng pag-welcome kay Richard Yap na pumasok na sa Ang Probinsyano ni Coco Martin, bongga rin ang solo presscon-announcement na ibinigay for Paulo ng Dreamscape na in fairness talaga ay never na nabakante sa trabaho.

Sa taong 2015 pa lang ay halos limang malalaking projects ang ginawa ng aktor na nangakong mas magiging busy come 2016.

Read more...