Carlo Caparas 4 taon nawala, umaming napabayaan ang sarili

carlo caparas

Matagal nawala sa eksena si direk Carlo Caparas at nagbabalik siya via the movie “Angela Markado” starring Andi Eigenmann. “Nakatulong ng malaki ‘yung inactivity ko noon sa pelikula kasi naasikaso ko ang sarili ko.

Minsan mahirap ‘yung nagkakaroon tayo ng shortco-ming sa sarili natin dahil sa craft na ginagawa natin, dahil sa maraming inaasikaso sa buhay natin. “Minsan napapabayaan na natin ang sarili natin physically and spiritually.

Sa dami ng dekada ng pagsusulat ko sa komiks at pagdidirek ng pelikula ay sinubukan kong idirek naman ang sarili ko sa magandang bagay,” say ni direk Carlo. Naglibot pala sa iba’t ibang lugar ang premyadong director at script and komiks writer.

“For four years ay naglibot ako, nag-nature trip. Madalas ako sa mga islands, sa dagat, kung saan-saan pa at nagising uli ako na may panibagong sigla at maganda uli ang pananaw ko. Nasasabik uli ako sa tao, nasasabik ako na makisama sa tao.”

Medyo nag-adjust siya while filming “Angela Markado.” “Noong nag-shooting ako ng Angela Markado, the first two days, sabi ko kay direk Toto Natividad, ‘manonood ako sa monitor. Sige, tirahin mo nang tirahin ‘yan’ para napag-aaralan ko ‘yung mga bagong grupo ng actors and actresses natin, kung ano ang mga ugali nila, how they perform.

“Kailangan ko kasing mapag-aralan ang mga tao bago ang talent nila. It’s a given, eh, ‘yung talent nila pero ang ugali nila ay gusto ko munang makita. Nu’ng makita ko ang ugali nila, naging kabarkada na sila.

“Si Andi tiningnan ko muna ang performance level. Nu’ng nakita ko nasabi ko na masisiyahan ako sa aktres na ito. Tuloy ang pagiging creative ko, pagi-ging imaginative ko, walang nabago, nadagdagan pa,” sabi pa ng direktor.

Read more...