Lola naningil ng utang pinatay | Bandera

Lola naningil ng utang pinatay

John Roson |November 25,2015
facebook
share this

Lola naningil ng utang pinatay

John Roson - November 25, 2015 - 05:00 PM

ilocos norteNasawi ang 63-anyos na babae nang pagbabarilin sa Paoay, Ilocos Norte, kamakalawa (Martes) ng gabi, matapos maningil ng pautang, iniulat ng pulisya kahapon.

Ikinasawi ni Florfina Daduyo, residente ng Brgy. Dalayap, Pinili, ang tatlong tama ng bala sa likod, ayon sa ulat ng Ilocos Norte provincial police.

Naganap ang pamamaril dakong alas-6:20 sa bahagi ng Masintoc-Calaguip Road na sakop ng Brgy. 2 San Roque, Paoay.

Binabagtas ni Daduyo ang kalsada, angkas ng motorsiklong dala nina Marjorie Ramas at Anabelle Agdeppa, nang pagbabarilin sa likod ng dalawang lalaking magkaangkas sa isa pang motor, ayon sa ulat.

Isinugod pa si Daduyo sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ng Batac City, ngunit di na umabot nang buhay.

Natagpuan naman ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ang tatlong basyo at isang slug ng kalibre-.45 pistola.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin, na agad tumakas matapos ang insidente.

Kabilang sa mga sinisilip ngayon ang posibleng kaugnayan ng pagpatay sa negosyo ni Daduyo.

Bago ang insidente’y sinundo ni Ramas at Agdeppa si Daduyo sa Pinili, kung saan may negosyong pautang ang huli at naniningil na dahil balak lumipad patungong Amerika, ayon sa pulisya.

– end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending