FEU vs UST Game 1 ng UAAP Finals ngayon | Bandera

FEU vs UST Game 1 ng UAAP Finals ngayon

|November 25,2015
facebook
share this

FEU vs UST Game 1 ng UAAP Finals ngayon

- November 25, 2015 - 03:00 AM

UST-FEU

Laro Ngayon (MOA Arena)
3:30 p.m. FEU vs UST
ANG Far Eastern University Tamaraws ay may league record 19 kampeonato sa UAAP men’s basketball habang ang University of Santo Tomas Tigers ay may 18.
Magsasagupa sa isang best-of-three series ang dalawang bigating koponang ito para sa pinakaaasam na korona ng ika-78 season ng liga umpisa ngayon sa SM Mall of Asia Arena.
Noong Sabado ay naungusan ng Tamaraws ang Ateneo Blue Eagles, 76-74, sa buzzer-beating putback ni Mac Belo para makuha ang unang silya sa Finals.
Noong Linggo naman ay ang Tigers naman ang nagwagi sa kanilang Final Four duel laban sa 2014 champion National University Bulldogs, 64-55, para makasagupa ang FEU sa Finals sa unang pagkakataon sa loob ng 36 taon.
Huling nagsagupa sa championship game ang FEU at UST noong 1979 kung saan nagwagi ang Tamaraws, 100-89.
Makaganti kaya ang Tigers sa kabiguang natamo noong 1979 o mananatiling winningest team ng UAAP ang FEU?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending