Robin, Mariel bawal pang gumawa ng bagong baby | Bandera

Robin, Mariel bawal pang gumawa ng bagong baby

Ervin Santiago |November 25,2015
facebook
share this

Robin, Mariel bawal pang gumawa ng bagong baby

Ervin Santiago - November 25, 2015 - 03:00 AM

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

NABUNUTAN ng tinik si Robin Padilla ngayong balik-trabaho na uli ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez. Ito’y matapos ngang makunan ang TV host-actress sa kambal nilang anak ilang linggo na ang nakararaan.

Naging maayos na ang kundisyon ni Mariel matapos itong sumailalim sa isang medical procedure para malinis ang kanyang “uterine lining” na naapektuhan ng pagkalaglag ng bata sa kanyang sinapupunan.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Binoe, sinabi nitong maligaya siya para sa kanyang misis dahil unti-unti na itong nakaka-move on sa mga nangyari. Handa na rin daw itong bumalik sa trabaho.

“Napakabait kasi ng mga kaibigan niya sa ABS. Isang bugso, ang daming dumating. Ang ganda ng mangyayari sa buhay niya para sa akin. Nakakapagod ‘yun sa kanya pero maganda ‘yun kasi mawawala ang isip niya sa depression. Pinagdaanan niya ‘yun ng matagal. Ngayon parang wala ‘yun,” ang masayang balita ni Robin.

Nakaranas din ba siya ng matinding depresyon sa pagkawala ng kambal sana nila ni Mariel? “Mas more on shock sa akin. ‘Yung depression, wala na masyado ‘yun. Na-shock lang ako kasi tatlo ‘yun eh. Nabuo na ‘yung mga pangarap, mga plano. Biglang ganun na lang. Na-shock ako.”

Ayon pa sa action star, wala muna silang balak ni Mariel na gumawa ng bagong baby, “Ang sabi ng doktora niya, mga one year, wala muna. So one year na honeymoon na naman ‘yan.”

Ibinalita rin ni Binoe na tuluy-tuloy ang pagkonsulta nila sa mga eksperto para malaman kung ano talaga ang naging sanhi ng dalawang beses na pagkalaglag ng mga bata sa sinapupunan ni Mariel.

“Hindi maintindihan, e. Kasi dalawang beses na ‘yun. Kapag dumarating na doon sa linggo na ‘yun, ika-8 or 9 (weeks), namamatay ‘yung bata. May nakikita silang problema. Pag-aaralan muna nila kung ano ‘yun. Ako din pag-aaralan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending