Angel posible pa ring gumanap na Darna | Bandera

Angel posible pa ring gumanap na Darna

Ervin Santiago |November 25,2015
facebook
share this

Angel posible pa ring gumanap na Darna

Ervin Santiago - November 25, 2015 - 03:00 AM

ANGEL LOCSIN

ANGEL LOCSIN

POSIBLE pa kayang matuloy si Angel Locsin sa bagong movie version ng “Darna” ng Star Cinema?

Base sa mga nababasa naming mga komento sa social media, mukhang si Angel pa rin ang hinihiling ng madlang pipol para gumanap na Darna kahit na umatras na ito dahil sa kanyang sakit.

Kung matutuloy ang plano, posibleng mag-undergo ng surgery si Angel para gamutin ang disc bulge sa kanyang spine. Ito ang dahilan kung bakit umayaw na ang aktres sa “Darna” movie.

Ayon sa boyfriend ng aktres na si Luis Manzano sa panayam ng ABS-CBN, “I think mayroon siyang two options na kino-consider. May isa na medyo mas matimbang, so hopefully soon magawa na niya.

“Basta makapagpa-treatment kung sakaling magawa niya ‘yung nakaplanong whether ‘yung surgery, basta magawa ‘yon at maayos ‘yung therapy after, she can be 100% again,” paliwanag pa ni Luis.

Hirit pa nito, “With technology now, sa science ngayon, parang ang bilis (maka-recover). ‘Yung last case na nakita after one or two weeks parang medyo okay na. Pero of course she still have to undergo therapy. Hindi pwedeng afternoon eh, lahat ay gagawin mo. Siyempre kailangan may kaunting ingat pa din before you’re 100%.”

Na-touch naman si Luis sa followers nila ni Angel sa social media na nagsasabing mas gusto pa rin nilang mapanood si Angel bilang Darna sa pelikula.

“Nakita ko nga may mga Instagram pa na Darna will wait for Angel Locsin. Nakaka-touch kasi siyempre ibig sabihin there’s no one better for that role.

“Kahit ‘yung regular na tao who follows showbiz talagang sinasabi nila na iba ‘yung naging tatak ni Angel as Darna. So thank you. I guess on behalf of Angel maraming salamat doon sa nagsasabing kung kayang antayin, antayin sana,” pahayag pa ng TV host-comedian.

Pero feeling ba ni Luis, posible ngang si Angel pa rin ang mag-Darna next year lalo na’t wala pa ring napipili ang Star Cinema? “Sana. Siguro not just dahil sa clamor ng tao but kahit ang management ay nakikita na ‘Oo nga ano baka naman kaya pa ngang hintayin si Angel.’ So sana.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending