GUILTY ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court kay Jason Ivler kaugnay sa pagpatay sa anak ng dating opisyal ng Malacanang sa road rage incident noong 2009.
Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ni Judge Luisito Cortez of Quezon City Regional Trial Court Branch 84 si Ivler dahil sa pagpatay nito kay Renato Ebarle Jr. noong Nob. 18, 2009 sa Santolan Road, matapos ang pagtatalo dahil sa trapiko.
Pinagbabayad din ng korte si Ivler ng P9 milyon bilang danyos.
Si Ebarle ay anak ni dating Presidential Chief of Staff Undersecretary Renato Ebarle Sr.
Naaresto si Ivler noong 2010. Anak siya ng ni Marlene Aguilar na kapatid naman ng folk singer na si Freddie Aguilar.
MOST READ
LATEST STORIES