Jason Ivler guilty sa pagpatay sa anak ng ex-Malacanang official | Bandera

Jason Ivler guilty sa pagpatay sa anak ng ex-Malacanang official

- November 24, 2015 - 02:45 PM

GUILTY ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court kay Jason Ivler kaugnay sa pagpatay sa anak ng dating opisyal ng Malacanang sa road rage incident noong 2009.

Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ni Judge Luisito Cortez of Quezon City Regional Trial Court Branch 84 si Ivler dahil sa pagpatay nito kay Renato Ebarle Jr. noong Nob. 18, 2009 sa Santolan Road, matapos ang pagtatalo dahil sa trapiko.

Pinagbabayad din ng korte si Ivler ng P9 milyon bilang danyos.

Si Ebarle ay anak ni dating Presidential Chief of Staff Undersecretary Renato Ebarle Sr.

Naaresto si Ivler noong 2010.  Anak siya ng ni Marlene Aguilar na kapatid naman ng folk singer na si Freddie Aguilar.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending