Yaya Dub sa Japan magpa-pasko kasama ang buong pamilya; iiwan muna si Alden

yaya dub

Mayabang na raw si Maine Mendoza, komento ng mga naiinis sa kanyang katanyagan ngayon, dahil balitang sa Japan magbabakasyon ang kanyang buong pamilya ngayong darating na Kapaskuhan.

Porke kumikita na raw nang milyones si Yaya Dub sa pag-eendorso ng iba’t ibang malalaking produkto ay bigla nang nagbago ang kanyang ugali, mayabang na raw ang dakilang pag-ibig ni Alden Richards, sabi pa ng mga hindi natutuwa sa kanyang tagumpay.

Nakakaloka, sana lang ay naglalaan ng panahon sa pagsasaliksik ang mga taong ‘yun, sana’y inaalam muna nila kung ano ang estado ng pamilyang pinagmulan ni Yaya Dub.

Dahil kung nag-research man lang sila kahit konti ay mapatutunayan nila na hindi pa man nagdadalaga si Maine Mendoza ay talagang bumibiyahe nang madalas sa ibang bansa ang kanyang pamilya kahit pa hindi Pasko.

Pinaka-bonding ng pamilya ang pagpunta sa ibang bansa nang magkakasama sila dahil masyadong abala ang kanilang mga magulang sa pagnenegosyo dito sa Pilipinas.

Para makabawi ang pamilya sa mga panahong hindi sila nagkakasama-sama ay bumibiyahe sila, ‘yun ang kanilang pinaka-bonding, ilang linggo silang nananatili sa ibang bansa.

Sa maaayos na eskuwelahan nag-aaral ang magkakapatid, hindi man sunod ang kanilang layaw ay natikman ni Maine at ng kanyang mga kapatid kung paano mabuhay nang masagana, kaya hindi na niya kailangan pang mag-artista para lang makapagbaka-syon ang kanilang pamilya sa ibang bansa.

Read more...