AFTER the very successful “PreNup” movie ng Regal Entertainment starring Jennylyn Mercardo at ng anak nating si Sam Milby ay tila hindi naman masyadong kinagat ng publiko ang huling movie ng Regal na “No Boyfriend Since Birth” nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Nakapanghihinayang dahil for us panalo ang title ng film – cute ang dating. For sure ay maganda naman ang materyal nito pero definitely ay meron itong something kaya hindi pumatok sa takilya.
“Hindi maganda ang ilang technical aspect ng movie. May portions na hindi ma-ganda ang pagka-dub ni Tom. Tsaka, masyonda na sila ni Carla para magpa-cute, ‘no!” tili ng isang nakapanood ng film.
Sakit naman! Parang unfair naman na sabihin na matanda na ang loveteam na ito kaya hindi kumita ang movie. Pag merong chemistry ang dalawang artista, kahit may edad na ang mga iyan, walang makakapigil para magtagumpay ang projects nila.
Sabi nga nila, you cannot argue with success. Pero what really happened at hindi umalagwa sa box-office ang movie na ito? Kawawa tuloy si Mother Lily Monteverde dahil hindi nakabalik ang malaking investment niya.
“Pasaway kasi ang mga artista nila, lalong-lalo na si Tom. Akala mo bait-baitan pero hindi marunong makipag-cooperate. Nagpa-sche-dule ang Regal ng dubbing para sa ilang eksena niya pero nagbingi-bingihan lang sila ng manager niya.
Hindi talaga nila sinipot ang dubbing sche-dules. “Then nu’ng premiere night, nag-walkout pa raw ang Tom kaya siguro nakarma ang movie nila. Ang kawawa riyan, si Mother Lily.
Bakit ba nag-kaganyan si Tom? Hindi ba niya na-appreciate na may isang producer na sumugal para bigyan siya ng malaking pelikula? Tsaka, tama bang mag-walkout sa premiere night ng pelikula mo?
With this, sa palagay n’yo ba bibigyan pa sila ng Regal ng big project? Hindi na ‘oy!” talak ng isang mukhang may alam sa mga kaganapan.If these stories are true, naku, nakikini-kinita ko na ang magiging ending niyan at kung saan siya pupulutin one day.
Mahirap yatang malaos nang maaga, bah! Hindi matutuwa ang kahit sinong producer kapag ganyan ang attitude ng artista niya! Kaila-ngang linawin ni Tom ang isyung ito, hindi magiging maganda ang epekti nito sa ka-rera niya.
Baka wala nang magtiwalang producer sa kanya. Naawa tuloy ako kay Mother Lily who produced the film. Hindi ko pa siya nakakausap regarding this pero I feel for her.
Bakit ganoon sila? Bakit hindi nila pinahahalagahan ang paghihirap ng producers nila? You don’t find many Mother Lilys every day.
Dapat ay naging mabait sila sa producers nila dahil kung hindi dahil sa mga ito ay wala silang mga career. Hay naku, Tom. Sooooo sad!