Michael Pangilinan niregaluhan ng music bar ni utol

michael pangilinan

Gulat na gulat ang baby nating si Michael Pangilinan dahil sinorpresa siya ng Kuya Sam niya one early evening. Meron itong ibinigay na napakahalagang regalo sa kaniya recently.

“Nu’ng manalo ako that particular week sa Your Face Sounds Familiar when I did Bono, tuwang-tuwa ang kuya ko. Happy siya dahil good boy daw ako lately kaya sabi niya magkita raw kami at mag-uusap sa isang place doon sa Marikina.

Kasi nga malapit na rin ang birthday ko kaya inisip kong baka reregaluhan na nga ako ni Kuya ng bagong kotse. “Okay na sa akin kung hindi man yung pangarap kong Mustang ang ibigay niya pero feeling ko new car nga iyon.

Then, pagdating namin sa lugar na iyon, dinala niya ako sa second floor at nagtaka ako dahil parang may ginagawang construction. Sabi niya, ‘Ito ang gift ko sa iyo. Tutal mahilig ka namang kumanta, ipinagtayo kita ng music bar.

Isang concert venue na you can call your own. Papangalanan natin itong Music Palace, hango sa initials mong MP, as in Michael Pangilinan. “Sobrang natuwa ako sa kaniya kasi nga napakalaki ng lugar at gusto niyang matuto raw akong magnegosyo habang bata pa ako.

Business-minded kasi si Kuya Sam, gusto niya meron akong pinagkakabisihan pag wala akong show. Isa rin kaya iyan sa pangarap ko – yung one day pag nakaipon ako ay magtatayo ako ng sarili kong bar kahit maliit lang.

“Yung meron akong tambayan kung saan ako pwedeng kumanta. Yung lalagyan ko ng billiard tables at makakapag-beer-pong ako with my friends. Yung may part na gagawin kong comedy bar para masaya ang mga tao.

At heto na nga, magiging kapartner ko na rin si Kuya Sam at Direk Joven Tan. Maganda ang location, sa Marikina, sa may kanto ng E. Rodriguez St.. Bait talaga ng Kuya ko kaya suwerte ko,” tuwang-tuwang kuwento ni Michael.

Ang ending, binitbit niya ako roon noong Sunday evening at nagalak ako dahil nakita ko ang place – maganda at maaliwalas. Puwes, naglaro kaagad ang utak ko – maglalagay ako ng mga shows doon, small concerts lang para pagkakitaan.

Ha-hahaha! At humanda ka Michael – tatambakan kita ng shows dito. Papagurin kita sa kanga-ngawa dahil wala kang choice kungdi ang palakasin ang benta ng Music Palace na ito.

Ikaw rin, ayaw mo naman sigurong matawag na flop king kaya kailangang mag-cooperate ka. Ayaw ni Tom Rodriguez ng ganyan. Ha-hahahaha!

Read more...