Around 20,000 Kapamilyas ang nanood sa Open Park ng Trinoma para sa “Kapamilya Krismas3” event ng Dreamscape Entertainment Television headed by Deo Endrinal.
Grabe ang tao sa Open Park, talagang literal na hindi mahulugang karayom. Pati ang nasa parking area sa itaas ng mall ay talagang nakinood. Ang daming nag-perform du-ring the event tulad nina Alanis Morisette, Klarisse de Guzman, Gloc-9, Ebe Dancel, KZ Tandingan, Erik Santos, Daryl Ong among others.
Nagsigawan at naghiyawan ang lahat when cast members of Doble Kara, Ang Probinsyano and On The Wings of Love surfaced on stage. Talagang nakabibingi ang hiyawan ng mga tao. Kanya-kanya silang sigawan ng kanilang mga iniidolo.
Pinagkaguluhan sina Nadine Lustre, James Reid, Coco Martin, Julia Montes, Sam Concepcion, Maja Salvador, maging sina PBB 737 teen housemates Ylona Garcia and Bailey May (BaiLona) na papasok na rin sa OTWOL ay tinilian din.
Successful ang lahat ng teleserye na hawak ni Deo for Dreamscape Entertainment. Panalo sa ratings ang Doble Kara, On The Wings of Love at Ang Probinsiyano na talagang pinatunayang si Coco Martin ang undisputed Primetime King ng Dos kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanilang teleserye na napapanood every night sa Primetime Bida ng ABS-CBN.