PNoy: Hayaang taumbayan na ang magdesisyon kay Poe

HAYAAN na raw ang taumbayan ang magdesisyon kung iboboto ba nila si Senador Grace Poe, ayon kay Pangulong Aquino, sa harap na rin ng kabi-kabilang disqualification case na isinampa laban sa senador.
“At the end of day, sovereignty resides in the people, let the people decide,” sabi ni Aquino bilang reaksyon sa pagkakabasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa inihaing petisyon laban kay Poe na kumukuwestiyon sa kanyang citizenship.
Iginiit ni Aquino na dapat ay magtrabaho muna bago mangampanya.
“Pwede naman tayong magtrabaho muna baka wala pa ‘yung campaign period na formal for everybody. Lalo na ‘yung mga senador baka gusto niyong tapusin si BBL (Bangsamoro Basic Law) at saka approve na rin niyo ‘yung budget at tapos na rin naman sa inyo ‘yung proseso. Well, siyempre pasasalamat ko sa kanila,” ayon pa kay Aquino.
Ayon kay Aquino, dapat ipasa ang BBL at budget bago matapos ang taon.

Read more...