P145M jackpot sa bukas

lotto for site
Inaasahang aabot sa P145 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 bukas.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa lumabas na numerong 7-37-9-35-1-30 sa bola noong Linggo.
Umabot sa P137.8 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto sa bola noong Linggo.
Nanalo naman ng tig-P42,340 ang 44 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P710 naman ang 2,099 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 36,698 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Read more...