Hindi inaasahang magla-land fall ang bagyong Marilyn na pumasok sa Philippine Area of Responsibility kagabi.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay inaasahang nasa layoong 1,010 kilometro sa silangan ng Aurora ngayong umaga.
Kahapon ng umaga ang bagyo na may international name na In-Fa ay nas alayong 1,280 kilometro sa silangan ng Catanduanes. May hangin ito na umaabot sa 175 kilometro ang bilis at pabugsong 210 kph. Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro sa direksyon ng kanluran-hilagang kanluran.
Sa Martes ay inaasahang nasa layo itong 1,080 kilometro sa silangan ng Cagayan at 1,220 kilometro sa silangan ng Batanes sa Martes
Sa Huwebes ng umaga ay inaasahang nasa layo na itong 1,530 kilometro sa hilagang silangan ng Batanes, labas na ng PAR.
Bagyo hindi daraan sa lupa
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...