Sa Quezon City tumaya ang nanalo ng P6.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Chairity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Novaliches.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 32-6-36-16-12-4. Mayroon siyang isang taon para kunin ang kanyang premyo sa central office ng PCSO.
Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 14 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P530 naman ang 925 mananaya na nakaapat na numero.
Balik naman ang P20 taya ng 14,455 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa anim na numerong kumbinasyon.
MOST READ
LATEST STORIES