Boy pinayuhan si Alma: Paghandaan ang mga susunod na interbyu!

By Reggee Bonoan November 22,2015
share this

Boy pinayuhan si Alma: Paghandaan ang mga susunod na interbyu!

By Reggee Bonoan November 22,2015
share this

alma moreno

“WELCOME naman siya sa show ko (Tonight With Boy Abunda), anytime.” Ito ang sabi ng King of Talk na si Boy Abunda nu’ng tanungin namin kung ige-guest pa ba niya si Alma Moreno na kumakandidatong senador sa 2016 elections.

Ito’y matapos ngang mag-viral sa internet ang nangyaring panayam ni Ness kay Karen Davila sa programa nitong Headstart sa ANC. May mga nam-bash sa aktres dahil hindi raw nito nasagot nang maayos ang mga tanong ni Karen.

Marami rin namang bumatikos sa news anchor sa ginawa nitong pag-iinterbyu kay Alma dahil lumabas na walang alam ang aktres sa mga isyung nangyayari ngayon sa bansa at kung ano ang io-offer niya sa publiko.

Bilang TV host at manager ng mga artista ay tinanong ng aming patnugot dito sa BANDERA kung ano ang masasabi ni kuya Boy sa nasabing panayam ni Karen kay Alma.

“I got a call from Ness because she wants to come out in one of my shows, napakagalang niya and of course because she’s running for a senate seat (2016), so I would imagine that she needs a lot of media exposure kahit mayroon siyang organization ng mga konsehal sa buong Pilipinas, you really need a lot of exposure.

“It’s not anybody’s fault, hindi lang sila nagtagpo, Karen just did her job, Ness assumed probably that it was just an ordinary interview. The questions are, was it the fault of Karen that she wants to talk RH Bill, she wanted to get the peak the brain of Ness about same sex marriage, No!

“Para sa akin, responsibilidad ng guest lalo na kung ikaw ay tumatakbo for public office na paghandaan ang isang political interview. Headstart is a political show. Now may mga taong nagsasabi na pinaglaruan (ni Karen si Ness), hindi! Nakita ko umalalay si Karen towards the end, ipinaliwanag niya kung ano ang ibig sabihin.

“Ness I think was also trying but to a certain extent she showed her that she was not conversant to the topics, what is the lesson there, prepare for your interviews.

“Ika’y nagpapakilala, piniprisinta mo ang iyong sarili para sa boto ng mamamayan, maghanda ka, kasi ang pinag-usapan naman ay may relasyon sa iyong pagiging public official.

“You were not being asked about rocket science, kung (tungkol dito) doon, medyo off ‘yun, halimbawa tinanong ka, how do you invent rocket ships, that’s an entirely different story.

But if you are asked about same sex marriage which is hot globally, these are issues during elections. But she took a position, hindi lang niya naipaliwanag, sabi lang niya ‘yes’ pero hindi lang naipaliwanag ni Ness.

“Ako with humility, ang advice ko, sa susunod na magge-guest ka sa ibang programa (maghanda), you’re not promoting a movie here, ipiniprisinta mo ang iyong sarili sa taumbayan and you should be ready to all these issues,” mahabang paliwanag punto ng TV host.

Ginawa ring halimbawa ni kuya Boy ang sarili ng kapanayamin niya si dating Justice Secretary Leila de Lima para sa Bottomline, talagang pinaghandaan daw niya ito at nag-research pa siya tungkol sa pagkatao at mga nagawa ng nasabing kalihim.

“One of my toughest interview, Leila de Lima kung saan pinag-usapan namin mula Davao death squad to Grace Poe’s disqualification cases.

“Ako that I’ve been doing political interviews for 20 years now, limang araw ako halos hindi matulog sa kare-review at kaa-aral doon sa mga bagay na maaring pag-usapan namin ni Leila de Lima dahil ayokong paikutin ako,” pagtatapat ni kuya Boy sa panayam namin pagkatapos niyang sumalang sa TWBA.

Kaya sa mga nagsasabing kinawawa ni Karen si Alma, hindi raw totoo, “Para sa akin I think it’s a misreading na si Karen naman (kinawawa), Headstart is a political show, hindi ko sinisisi rito si Ness, ang advise ko kay Ness as a friend dahil kaibigan ko ‘yan, paghandaan mo,” katwiran ng TV host.

Inamin din ng TV host na nasaktan din siya sa pangyayari, “You can’t do blame game here, ayoko ng naninisi because I know Karen, I don’t think she has the intent of hurting Ness. Ness naman, I don’t think had the intent also to make herself funny.

Sabi ko nga, hindi lang host dapat naghahanda, dapat pati guest you should prepare.” Samantala, may kagandahang nagawa rin kay Alma ang nasabing panayam dahil tiyak na paghahandaan na niya ang mga susunod niyang interviews at challenge ito sa kanya.

Ginawa pang halimbawa ni Kuya Boy si Batangas Gov. Vilma Santos na kapag may hindi raw siya alam o naiintindihan ay nagtatanong at talagang makulit daw hangga’t hindi klaro ang sagot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending