Pamilya Veloso umaasang makalalaya, makakauwi na sa bansa si Mary Jane

UMAASA ang pamilya at abogado ni Mary Jane Veloso na tuluyan na itong makakalaya at makakauwi sa Pilipinas ngayong Pasko matapos muling ipagpaliban ng Indonesia ang nakatakda sanang pagbitay sa kanya sa pamamagitan ng firing squad.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Edre Olalia, National Union of Peoples’ Lawyers Philippines, na natutuwa sila sa naging desisyon ng korte ng Indonesia na hindi ituloy ang bitay kay Veloso.

“We pray Mary Jane’s own temporary reprieve will be made permanent or that she be granted clemency and be brought home soon to the waiting arms of her little boys this coming holiday season,” sabi ni Olalia.

Nauna nang sinabi ng Attorney General’s Office ng Indonesia na mababalam muli ang mga pagbitay dahil sa mahinang ekonomiya ng naturang bansa.

“We hope in time it leads to a permanent abolition as we have serious reservations about the death penalty’s real value in effectively deterring crime and it precludes rehabilitation and reformation while not giving weight to humanitarian consideration. Worse, it may victimize innocent individuals who are wrongly convicted for different reasons or factors and bring them irretrievably to the afterlife,” dagdag ni Olalia.

Nasintensiyahan si Veloso ng bitay matapos marekober sa kanya  ang 2.6 kilong heroin  habang papasok sa Indonesia noong 2010.

Read more...