Sulat mula kay Lannie Magkiangkang, Bayuga, Agusan del Sur
Problema:
1. Tatlong beses na po akong nagkaka-boyfriend pero walang nagtatagal. Lagi na lang nila akong iniiwan sa hindi ko malamang dahilan. Kailan ko kaya matatagpuan si Mr. Right na hindi na ako iiwan kahit ano ang mangyari?
2. Sana sa pamamagitan ng kasagutan ninyo, malaman ko ang palatandaan ng lala-king hindi na ako iiwan kundi makakasama ko na siya ng panghabangbuhay. Kailan kaya siya darating? September 17, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Lannie ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing ang lalaking darating sa iyong buhay at magiging pang-apat mong boyfriend ay ang mapapangangasawa mo. Isinilang siya sa zodiac sign na Taurus, kayumanggi ang kulay ng balat at medyo maskulado ang pangangatawan.
Numerology:
Ang birth date mong 17 ay nagsasabing suwerte ka sa ikaapat na bilang (4) kaya nga ang pang-apat na boyfriend mo na isinilang sa petsang 10 o kaya’y 25 ang siya mo nang makakatuluyan.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig, gumamit ka ng kulay na “apple green” o kaya’y kahit na anong kulay na “green”. Sa pamamagitan ng nasabing kulay, walang duda, susuwertehin ka na, hindi lamang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, lalo na sa materyal na bagay.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na medyo pahaba na korteng puso ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo hanggang sa tuluyan mong mapapangasawa ay nagtataglay ng bilugang hugis ng mukha, na may well pronounced na nunal sa kanyang mukha. Ito ang palantandang ka-compatible mo siya. At sa sandaling kayo ay nagsama, uunlad at magiging maligaya ang itatayo n’yong pamilya.
Huling payo at paalala:
Lannie, ayon sa iyong kapalaran, maging laging handa at maging listo ka dapat pagsapit ng taong 2018 hanggang 2019 sa edad mong 28 pataas. Sa panahong iyon ay “mahuhulog mula sa langit” ang ikaapat na lalaking magiging boyfriend mo na nagtataglay ng initial na J.A. Sa sandaling bigla siyang lumutang sa iyong harapan, wag ka nang umarte-arte pa, sunggaban mo agad, dahil siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya, maunlad at panghabangbuhay ng pamilya.