FEU Tamaraws pinatalsik ang DLSU Green Archers | Bandera

FEU Tamaraws pinatalsik ang DLSU Green Archers

Melvin Sarangay - , November 19, 2015 - 01:00 AM

Laro sa Sabado
(Araneta Coliseum)
3 p.m. FEU vs Ateneo
Final Team Standings: *UST (11-3); *FEU (11-3); *Ateneo (9-5); *NU (7-7); La Salle (6-8); UE (6-8);  Adamson (3-11); UP (3-11)
* – Final Four

BUMANGON ang Far Eastern University Tamaraws sa huling yugto para tuluyang wakasan ang hangarin ng De La Salle University Green Archers na makapasok sa Final Four sa pagtala ng 71-68 panalo sa kanilang UAAP Season 78 men’s basketball game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinamunuan ni Roger Pogoy ang pagbangon ng Tamaraws sa ikaapat na yugto sa pagkamada ng lahat ng kanyang 11 puntos sa nasabing yugto.

Gumawa naman ng 20 puntos si Jeron Teng para pangunahan ang Green Archers na sinayang ang double figure na kalamangan na itinala sa laro.

Isinara ng La Salle ang kanilang kampanya na may 6-8 karta.

Ang panalo ng Tamaraws, na tinapos ang kampanya na may 11-3 kartada, ay nagbigay sa National University Bulldogs ng huling semifinals slot.

Kasado na ngayon ang Final Four kung saan ang No. 1 seed University of Santo Tomas Growling Tigers ay makakaharap ang No. 4 NU Bulldogs ngayong darating na Sabado habang ang No. 2 FEU Tamaraws ay makakasagupa ang No. 3 Ateneo Blue Eagles ngayong darating na Linggo.

Samantala, winakasan ng University of the East Red Warriors ang kanilang kampanya sa positibong paraan matapos tambakan ang University of the Philippines Fighting Maroons, 79-67.

Isinara naman ni Clark Derige ang kanyang mahusay na paglalaro sa second round ng torneo sa pagtala ng double-double sa kinamadang 18 puntos at 12 rebounds para sa Red Warriors, na nabigong makausad sa Final Four matapos magpakita ng matinding laban para tapusin ang kanilang kampanya ngayong season sa ikaanim na puwesto sa tangang 6-8 record.

Si UE captain Chris Javier ay nagtala ng 13 puntos at anim na rebounds sa kanyang huling laro sa UAAP.
Kumawala ang Red Warriors mula sa 26-all na pagtatabla sa ikalawang yugto at hindi na nagpaiwan mula rito.

Ang jumper ni Javier ang nagbigay sa kanyang koponan ng 48-33 kalamangan sa kalagitnaan ng ikatlong yugto bago naghulog si Von Batiller ng 3-pointer at nakaiskor si Emil Palma para tuluyang makalayo ang UE, 70-52, may 5:11 ang nalalabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinapatan ni Paul Desiderio ang kanyang career-high 26 puntos at humablot pa siya ng anim na rebounds para sa Fighting Maroons, na matapos ang 2-0 pagsisimula ay natalo sa 11 sa kanilang huling 12 laro para wakasan ang kanilang kampanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending