Charlie Sheen umaming HIV positive

charlie sheen

GINULAT ng Hollywood star na si Charlie Sheen ang buong mundo nang matapang niyang aminin sa isang TV show na siya’y HIV positive. Ginawa ng dating lead star ng US TV series na Two and a Half Men ang pag-amin nitong Martes sa Today show ng NBC.

“I am here to admit I am HIV positive. It’s a hard three letters to absorb,” ang bahagi ng naging pahayag ni Charlie Sheen sa nasabing programa. Bago pa lumantad ang Hollywood actor para ibandera sa buong mundo ang kanyang sakit, may lumabas nang mga balita na isang sikat na international actor ang may HIV ngunit hindi pa ito pinapangalanan.

Tatlong beses nang nakipag-divorce ang aktor at mas lalo pa siyang nakilala sa hit TV series na Two and A Half Men kung saan gumanap siya bilang womanizing bachelor na si Charlie Harper sa loob ng walong taon.

Ngunit tsinugi siya ng mga producer sa show noong 2011 dahil sa pagkakasangkot nito sa ilang kaso, kabilang na ang pagkaka-convict sa kanya ng korte “for assaulting his ex-wife.”

Read more...