DUMALO kami sa 25th birthday celebration ng anak-anakan nating young actor na si Arjo Atayde na ginanap sa napaka-cozy na Circle Events Place sa kanto ng Timog Avenue at Quezon Avenue last Sunday.
Kasama ko sina Richard Pinlac and commercial model friend naming si Eric Eleazar. As early as 8 p.m. ay marami ng bisita si Arjo, una na riyan si Ms. Susan Roces na sinalubong kami agad nang matamis niyang pagbati saying that she regularly watches our “Mismo” show sa DZMM.
“Natutuwa ako sa inyo ni Ahwel (Paz) lalong-lalo na pag meron kang kagalit. Palagi kitang pinapanood,” ani Manang Inday sa akin. Siyempre elated ako sa kaniyang pagbati.
Imagine, isang super-sikat na movie queen ang nakatutok pala sa aming programa gabi-gabi. Nakakatuwa, di ba? Anyway, ang guwapo-guwapo ng celebrator nating si Arjo that night – as always naman, di ba?
Nakita rin namin doon sina Pen Medina, Deo Endrinal, Roxy Liquigan, Direk Rechie del Carmen and Arjo’s immediate family members led by Ms. Sylvia Sanchez, Papa Art Atayde and Arjo’s siblings na sina Ria, Gela and Chubby.
After naming mag-dinner tumakas muna kami for a while dahil meron kaming hinabol na kaibigan sa isang hotel because paalis ito for Singapore. Right after bumalik kami sa party at nakita pa namin si Markki Stroem.
Hindi namin naabutan si Billy Crawford with Coleen Garcia and Arjo’s other guests. Di ko lang alam kung nakarating ang kasama ni Arjo sa Ang Probinsiyano na si Coco Martin pero we saw the cute boy Onyok in the area. Dumating din daw sina Joseph Marco and Bryan Santos who are very close to Arjo too.
I was just observing how Arjo treats his guests from the time we arrived till the time we left. Napaka-disenteng bata talaga. He was so cool in receiving all of them – he was very warm in leading them to the buffet table to have a taste of the sumptuous dinner they served.
Ang sarap ng pagkain lalo na ang dessert nilang mango panacotta. Tama ba ang spelling ko? Ha-hahaha! Alam niyo naman ako, may pagka-social climber din. Ha-hahaha!
While we were having some sips ng vodka sa table namin, minamasdan ko si Arjo as he was slightly running after his baby brother Chubby na tumatakbo sa harapan. I saw him signaled Chubby to come to him.
Umupo si Arjo sa tabing mesa namin – I was watching him as he talked to baby Chubby nang parang heart-to-heart. The little boy was nodding sa mga sinasabi ni Kuya Arjo niya. Kaysarap nilang pagmasdang mag-kuya.
Then Arjo planted a kiss on baby Chubby’s nose and let go of him. It was a wonderful sight for me that night – ramdam mo ang pagmamahal ni Arjo sa bunso nila. Kungsabagay, that’s how he is naman talaga sa mga kapatid niya. Very loving Kuya.
“Ganyan talaga si Arjo sa mga kapatid niya. Minsan kinakausap niya kahit walang dahilan. Yung bonding lang niya with them. Then iki-kiss niya ang mga iyan sa nose, very loving talaga na kuya si Arjo,” ani kaibigang Sylvia sa amin.
Nandoon din ang napakagandang lola ni Arjo (sa father’s side) and some titos and titas. Galing sumayaw ng lola niya, ha! Nakikisabay sa moves ng mga bagets friends nila kaya ang cute panoorin from afar. Mabuti pa ang lola niya marunong sumayaw samantalang kami waley. Ha-hahaha!
Arjo is one very important star/actor to watch. Lahat ng performances niya ay iba-iba ang kaniyang atake kaya hindi siya nakakasawang panoorin. Pala-ging may surprise kaya sobrang ganda ng feedback palagi sa kaniya tuwing meron siyang seryeng nilalabasan.
Lalo na sa Ang Probinsiyano (ABS-CBN’s highest-rated show sa mga latest surveys) kung saan ay nakikipagtagisan ng husay si Arjo kay Coco Martin who plays FPJ in the series. “Ibang klaseng umarte talaga iyang si Arjo.
Hindi conventional at may class ha,” sabi ng isang direktor sa amin mula sa isa pang series ng Dos. Balak daw niyang ipakiusap na makuha ang services ni Arjo sa kaniyang next show – kung papayagan daw ito ng kabilang unit na humahawak sa mga TV series ni Arjo.
Nakakatuwa, di ba? Pinag-aagawan na siya ng mga direktor. Kasi nga magaling kasi. Anyway, very smooth and fun-filled ang naging birthday party ni Arjo – kahit kami ay talagang nag-enjoy.
Meron lang akong nakitang isang di kanais-nais na bisita that night – isang trying hard na gay comedian pero hayaan na. Oks na kami dahil everyone naman aside from that person were all good-hearted. Ha-hahaha!