Mariah, Ariana, Jessy J makikipagbiritan kay Regine

regine velasquez

TIYAK na mas mag-eenjoy at mas maaaliw ang mga tagasubaybay ng favorite cooking show ng bayan with a big twist ngayong Sabado ng umaga, ang Sarap Diva sa GMA 7.

Naku, mga kapitbahay, hindi magpapahuli ang Cooking Diva at nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa kanyang bonggang paandar ngayong APEC Sabado.

Si Songbird, magpapa-party na, may imbitado pang mga international singer?! Makaka-bonding at makikipagbiritan kay Regine ang mga pambatong impersonators nina Mariah Carey, Ariana Grande, Jessie J, Be-yonce at JayZ sa Sarap Diva.

Nakakaloka ang paandar na ito dahil pati ang mga matataas na tao sa lipunan, imbitado rin! Siguradong malutong na hagalpakan at masarap na kantahan na naman ang ilalatag sa hapag-kainan ng Sarap Diva, 10:40 a.m. ngayong Sabado bago mag-Eat Bulaga.

Read more...