Paulo pasok sa OTWOL, magiging ’Kontrabida’ sa JaDine loveteam

paulo avelino

BALIK-TELESERYE na si Paulo Avelino. Papasok siya sa On The Wings Of Love bilang si Simon Esguerra na magi-ging kaagaw ni James Reid kay Nadine Lustre.

Kaya bossing Ervin, hindi lang si Clark ang may Angela na pinagseselosan ni Leah. Walang regular show si Paulo dahil pagkatapos ng Bridges Of Love nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador ay nabakante na siya.

Huling napanood si Paulo sa pelikulang “Heneral Luna”. Nabanggit naman dati ni Paulo na magpapahinga muna siya sa serye dahil magsu-shooting siya ng pelikula at kung hindi kami nagkakamali, ito nga yung Gregorio del Pilar mula sa Artikulo Uno Productions.

Ano kayang masasabi ni Paulo na ilang beses na siyang nagbida sa serye ng ABS-CBN pero pumayag pa rin siyang maging support sa serye nina James at Nadine?

Anyway, tiyak na matutuwa naman ang fans ni Paulo dahil muli nilang mapapanood ang idolo nila sa On The Wings Of Love.

Speaking of OTWOL, si-neryoso kaya ni Nadine Lustre si James Reid nang pagalitan siya nito sa ginanap na premiere night ng “Wang Fam” noong Martes na ginanap sa SM Megamall.

Tsika sa amin ng nasa premiere night ay late daw nagsimula ang pelikula dahil hinintay pa raw ang ilang artistang dumalo kasama na nga ang OTWOL lead stars bilang suporta since pareho silang Viva artists.

Sabi ng aming source, “Maagang dumating si James, e, natagalang dumating si Nadine. Tapos napansin naming pinagsasabihan ni James si Nadine dahil sa suot niya na super sexy.”

Dagdag ng isa pang kausap namin, “Katwiran ni James baka raw siguro na-late si Nadine kasi nahirapan sa damit niya na super fit.”Hmmmm, magdyowa na ba ang dalawa? Bakit parang ngayon lang nakialam si James sa sexy dress ni Nadine? O, baka naman in character si James bilang si Clark nang dumalo sa premiere night?

Pero mukhang okay na ang dalawa nang lumabas sa sinehan, “After ng movie, nag-uusap naman na sina James at Nadine, so mukhang nagkaayos din.” Kung totoong tungkol sa damit ang isyu ni James kay Nadine ay nakatutuwa kasi istrikto pala ang aktor pagda-ting sa mga ganitong bagay.

Read more...