Malaysian pinugutan ng Abu Sayyaf

PINUGUTAN ng Abu Sayyaf ang  kidnap victim nitong Malaysian na si Bernard Ghen Ted Fen sa Indanan, Sulu, Martes ng hapon.
Ito ay matapos mabigo diumano ang pamilya ng biktima na magbayad ng ransom na hinihingi ng mga bandido.
Ayon sa ilang source sa military, pinugutan ng grupo ng Abu Sayyaf sub-commanders Alden Bagade at Idang Susukan ang Malaysian sa barangay Taran alas-4 ng hapon.
Ayon sa source: “Fen’s family failed to comply with the demand of the Indanan-based Abu Sayyaf during their negotiation, prompting the bandits to execute their plan of beheading the kidnap victim.”
“Accordingly, the body was immediately burried at the vicinity [of the place] where they beheaded the victim,” dagdag pa ng isang opisyal na tumangging ipalagay ang pangalan sa balita.
Si Fen at ang kapwa nitong Malaysian Thien Nyuk Fun ay dinukot ng mga bandido mula sa Ocean King Restaurant sa Sandakan, Sabah, noong Mayo 14.
Sinasabi na bukod sa dalawa, kasama rin ng mga ito ang mga binihag na Korean na si Hong Nwi-seong.
Natagpuan ang bangkay ni Hong sa Patikul noong Oktubre 31 matapos iwan ng Abu Sayyaf, nang mamatay dahil sa karamdaman.
Si Fun ay pinalaya noong Nob 8 matapos maiulat na nagbayad ng ransom.

 

Read more...