Total lockdown sa ilang major roads sa Metro para sa APEC

TOTAL lockdown ang paiiralin sa mga major roads sa Metro Manila ngayong araw, para bigyan ng daan ang mga world leaders at foreign delegates na dadalao sa Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) meetings.

Ang Highway Patrol Group, na siyang mangunguna sa pagpapatupad ng trapiko ngayong Apec week, ang nagsabi na ang gagawing total lockdown ay bahagi ng ipaiiral na security protocol.

Simula alas-7 ng umaga, anumang oras ay isasara sa mga motorista ang mga sumusunod na lansangan:

*Edsa mula sa Ayala hanggang Mall of Asia
*Roxas Boulevard sa Naia Road at Katigbak *Diokno Boulevard sa Seaside Boulevard-Edsa intersection
*Macapagal Avenue sa Arsenia-Buendia Extension

Mula alas-9 hanggang 11 a.m.:

*Northbound lane ng Skyway-Magallanes ramp mula NAIA Terminal 3 hanggang Edsa Arnaiz-Pasay road

Mula 10:30 a.m:

*NAIA Terminal 1 hanggang NAIA road hanggang sa  Roxas Boulevard

 

Read more...