#MichaelAngelo Season 3 hahataw na sa GMA News TV

michael angelo

Tawa nang tawa ang entertainment writers at iba pang guests sa presscon ng talk show na #MichaelAngelo Season 3 dahil sa pagiging natural na komedyante ng host nitong si Michael Angelo Lobrin.

Sikat na sikat ngayon si Michael Angelo dahil sa kakaibang style niya sa pagiging inspirational speaker sa mga komunidad sa iba’t ibang panig Pilipinas, bukod pa ‘yan sa pagge-guest niya sa ilang TV shows, partikular na sa GMA 7.

May halong humor kasi ang atake ni MA sa pagsasalita sa bawat puntahan niyang events kaya talagang tutok na tutok sa kanya ang audience. Nakapag-share na siya ng mga inspirational stories sa mga tao, na-entertain pa ang mga ito sa kanyang jokes.

Tulad nga ng ginagawa niya sa kanyang talkshow na #MichaelAngelo na napapanood sa GMA News TV na suportado ng Bounty Agro Ventures at Chooks-to-Go. Nasa ikatlong season na ito at mapapanood na nga ang pilot episode sa darating na Nov. 21, Sabado.

Magkakaroon ng karagdagang segments ang #MichaelAngelo, tulad ng “Celebrity Challenge” kung saan ilang Kapuso artists ang hahamunin ni Michael Angelo para gawin ang inihanda niyang challenges.

Para sa unang episode ng season 3, magiging special guest sa show si Ken Chan, ang bida sa afternoon seryeng Destiny Rose ng GMA.Bukod dito, nandiyan din ang “Celebrity In Action”, where they will follow/cover a guest doing something for their advocacy tulad ng feeding program o pagbisita sa iba’t ibang mga charitable institutions.

Magkakaroon din ng short inspirational talk si Michael Angelo (sa portion na #RealTalk) tungkol sa mga napapanahong issue, tulad ng mga trending topic sa social, mga politikong tatakbo sa 2016 elections, at iba pang topic na may social relevance.

Siyempre, mawawala ba riyan ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza?
And of course, nandiyan pa rin ang “Tom Gu” at “Gulat Ka No?” segments na magtuturo ng mga kagandahang asal sa mga kabataan na may halong pakuwela kung saan makakasama ang Chooks-to-Go mascots na sina Chikoy at Tom Crew.

The new season of the show will also have a new Opening Billboard, bagong art cards at title cards, new video treatments na mas mabilis ngunit nakakaaliw pa rin at fresh comedy sketches na tiyak ikatutuwa ng mga manonood.

Sa naturang presscon, naganap din ang contract signing para sa pagpapatuloy ng partnership ng Chooks-to-Go at #MichaelAngelo, na nagsi-mula pa noong season 2 ng programa, sa pangunguna ni BAVI President Ronald Mascariñas.

Kaya huwag kalimutang tutukan ang muling paghataw ng #MichaelAngelo simula sa darating na Sabado, 4:50 p.m. sa GMA News TV.

Read more...