Dance Kids ng ABS-CBN wagi agad sa ratings game

dance kids

Tinutukan ng mga manonood sa buong bansa ang si-mula ng pagpapakitang gilas ng Pinoy kids sa pagsayaw dahil humataw agad sa ratings ang unang episodes ng Dance Kids, ang kauna-unahang dance competition for kids sa telebi-syon.

Base sa datos ng Kantar Media, nagtala ang programa ng national TV rating na 32.4% noong Sabado (Nov. 14) laban sa Pepito Manaloto ng GMA na nakakuha lang ng 24.7%.

Wagi rin ang Dance Kids noong Linggo (Nov. 15) kung kailan ito nagtamo ng national TV rating na 28.4%, o higit sa sampung puntos na lamang laban sa 17.6% ng 24 Oras Weekend.

Nasaksihan na nga husay at galing ng dance artists na sumalang sa try outs, ang unang stage ng kumpetisyon kung saan sasalain sila ng Dance Masters ng programa na sina Georcelle Dapat-Sy, Andy Alviz at Vhong Navarro.

Pasok na rito ang trio na Higher Level Kids, dance sport duo na Step Kids, Tahitian group Aloha Girls, young heartthrobs na Maximum Groovers, ang taekwondo duo na Richlie & Daniel, at ang solo dance artists na sina Matt at Joren matapos silang bigyan ng unanimous decision o tatlong “stomps” ng Dance Masters.

Subaybayan ang Dance Kids tuwing Sabado, 6:15 p.m. at tuwing Linggo, 6 p.m..

Read more...