Zoren sa 17 taong pagsasama nila ni Carmina: May forever!!!

zoren legaspi

Maraming pinakilig si Zoren Legaspi sa kanyang Instagram post kamakailan na may konek sa 3rd wedding anniversary nila ni Carmina Villaroel.

Isang wedding picture nila ni Carmina ang ipinost niya sa IG last Sunday kung saan niya sinabi na naniniwala siya sa “fore-ver”.  Sey ni Zoren, “In papers it’s our 3rd year Anniversary but in truth, we have been together for 17 years and going stronger every day. Meron Forever!”

Sinagot naman ito ng kanyang misis sa pamamagitan din Instagram kung saan ipinost nito ang litrato ng mga braso nila ng kanyang mister suot ang magkaparehong style ng relo.

Ang caption na i-nilagay ni Carmina ay ang lyrics ng kanyang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”. Kung matatandaan nagpakasal ang dalawa noong November, 2012 matapos mag-live in nang mahigit 10 taon.

Malalaki na ang kanilang kambal na sina Cassy at Maverick nang sila’y humarap sa dambana.
In fairness, talagang kahanga-hanga ang relasyon nina Carmina at Zoren, sa mahabang panahon ay napanatili nilang private ang kanilang pagsasama, wala nga kaming matandaan na nasangkot sila sa anumang kontrobersiya o iskandalo bilang mag-asawa.

Kaya ano pa nga ba ang masasabi namin sa dalawang ito, kundi congrats na lang sa anniversary n’yo!

Read more...