Derek ayaw makasama sa teleserye si Claudine

claudine barretto

Nakakuha kami ng follow-up sa isyung tinanggihan ni Derek Ramsay na makasama si Claudine Barretto sa teleseryeng gagawin ng aktres sa TV5.

Ang chika ng aming source, may kinalaman pala ito sa nangyaring away nina Claudine at Angelica Panganiban noong 2010 pa. Kuwento sa amin, “Hindi mo ba nare-remember na matindi ang away nina Claudine at Angelica because si Angelica i-pinagkalat daw na karelasyon ni Claudine ‘yung bestfriend ni Derek na si Martin Castro na kaibigan din ni Raymart Santiago.

Kumbaga, gumawa raw ng isyu si Angelica kaya nagkagulo, since then umiwas na si Derek sa mga ganyang isyu.” Susme, limang taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin nakaka-move on si Derek?

“Hindi lang niya nakalimutan siguro kasi maski wala na sila ni Angelica, umiwas na rin siyang makasama o makatrabaho si Claudine and besides, alam din naman siguro ni Derek kung paano mag-work ni Claudine,” katwiran sa amin.

Read more...