Misis ni Gary tinawag na ‘mother of fundraising projects’

gary valenciano

KAILAN kaya mangyayari ang pangako ni Vice Ganda kay Suklay Diva Katrina Velarde na ipagpo-produce niya ang dalagang singer ng solo concert?

Kaya namin ito naitanong ay dahil nabanggit ng manager ni Katrina si Angeli Pangilinan-Valenciano na nga-yon pa lang ay excited na siya kung mangyayari ang ipinangakong concert ni Vice kay Katrina na isa sa mga pambatong singer ng Manila Genesis.

Isa siya sa miyembro ng grupong #SETLIST kasama sina Monique Lualhati at RJ dela Torre. In fairness kung matutuloy ang concert ni Suklay Diva ay tiyak na kikita si Vice sa rami ng manonood dahil magaling talaga ang produkto ng X-Factor, pero knowing Praybeyt Benjamin ay hindi niya kukunin ang proceeds ng show.

Malamang ay ibigay na lang niya ito sa mga nangangailangan tulad ni Rogie Manglinas, ang 19 year-old na pambatong football player ng UP Diliman Team na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na kanser.

Na-diagnose ang midfielder na si Rogie ng Rhabdomyosarcoma o cancer of the skeletal muscles. May namuong bukol na malapit sa kanyang utak na siyang dahilan ng kanyang cancer. Malaking ang halaga ang kailangan niya para sa chemoteraphy.

Going back to Suklay Diva, siya pala ang vocal arranger ng #SETLIST at take note bossing Ervin, hindi pa siya talaga nag-aral ng music ng lagay na ‘yan. Magaling siya, pero nagtataka kamin kung bakit walang nag-aalok sa kanyang gumawa ng album.

Sa grupo ay si RJ lang ang inalok ng Viva boss na si Vic del Rosario ng solo album. Nabanggit ni Angeli sa amin sa ginanap na benefit concert for Rogie sa Music Hall, Metrowalk noong Sabado na speechless daw si boss Vic nang marinig niya ang version ni RJ ng “Kahit Kailan” na pinasikat ng Southborder noong 2000.

Maganda naman talaga boses ni RJ pero hindi naman din magpapahuli sina Suklay Diva at Monique na parehong biritera. Anyway, hindi man full pack ang ginanap na benefit show for Rogie ay bayad naman ang lahat ng bakanteng lamesa sa venue dahil pre-sold na nga ang mga ito.

“Per table ang bayad dito hindi per tao, so maski walang mga nakaupo, paid na lahat ‘yan kaya I invited friends to fill in the tables kasi sayang naman,” sabi ni Angeli na tinaguriang Mother of Fund Raising projects.

Sabi kasi ng misis ni Gary Valenciano, “Kapag may mga ganitong fundraising projects, ako ang nilalapitan, so kayo (entertainment press), kung may mga kasama kayo or members of your family who needs support just let me know, makaka-tulong naman kami maski paano.”

Read more...